it is hard to say goodbye but i have to..

This day is so holy ang siguro eto na yung pinakamatagal kong prayer time. Halos parang nagcoconcert lang ako nang mga worship song. Ang sarap talaga ng pakiramdam ng winoworship natin si God. Naging l.s.s. ko ang Lord i offer my life to you. Habang kinakanta ko ay feel na feel ko. Kahit na eto lagi ang opening prayer namin sa lahat ng subject for the whole day hindi ko naramdaman yung pagkasawa.

Wala na akong masasabi during my class hour kasi naging fruitful talaga ang araw na ito. Practice na ng folk sobrang ang saya ko. Halos the whole practice yata ay nakangiti ako eh. Marami din ang mga umattend.

Natapos na ang practice ng folk. Hindi na ako mapalagay at medyo bumabaliktad ang mga nangyayari. Kung kanina sobrang saya ko ngayon ay parang lumulungkot na. Habang pinapanood ang practice ng pep. Hindi mawala sa akin ang pagkalungkot dahil napagdesisyunan ko na umalis na sa Rizal high school phoenix. Medyo mahirap talaga in terms of schedule. Nawawalan na kasi ako ng time for my God. Hindi na ako nakakaattend ng mga household. Marami na rin akong namimiss. Pinilit ko talagang ayusin yung oras ko pero mahirap talaga kaya nagdecide na ako na umalis na lang. Mahirap para talaga sa akin kasi napamahal na ako sa company. Mamiss ko talaga yung bonding namin sa isat isa. Sabay sabay tumatawa at nalulungkot at lumalaban sa lahat ng oras. Mamimiss ko yung mga warm up naming napakahaba pero sobrang soya. Mamimiss ko yung mga kalokohan ng bawat is basta lahat ng mga memories.

Dumarating talaga sa buhay ng tao na kailangan nating magsakripisyo kahit mahirap kailangan nating tiisin. Mas maganda at mas masaya talaga na kasama mo si God. I believe that He has a better plan for me. Sa mga buhay natin Siya yung nagpaplano. Kapag nandun ka na talaga sa peak doon mas itetest ka ni God but we do not have to be afraid kasi Siya yung bahala sa atin.

This is just me.

Links

Tagboard